ang isang epal ay panghabang buhay na epal
nakakagulat ang mensahe ko ngayon dahil gagawin kong purong tagalog ang aking mga sasabihin sa abot ng aking makakaya..hahaha
naiinis ako ngayong araw na ito sapagkat masyadong marami talaga ang epal sa mundo kaya dapat na silang pigilan..hindi naman sa pinapansin ko sila para mag aksaya ng panahon kundi dahil kahit anong pilit kong hindi sila pansinin ay patuloy silang nagpapapansin na sinasayang lang ang aking panahon sa pagpansin sa kanila..ginawa ko yun hindi dahil sa gusto ko silang pansinin kundi dahil naaawa ako sa kanila..
naaawa ako dahil wala nang ibang tao na nagtiyatiyagang pumansin sa kanila kaya sa akin sila kumukuha ng atensyon..paksyet mga yun..hindi sila artista para magpapansin sa mas mukhang artistahin na tulad ko XD
unang una sa listahan ng mga epal ay isang mala GUINTONG babae na sumira sa imahe ng tres san marcos noong isang araw dahil sa ginawa niyang hindi kanais nais..gumawa ng isang kasulasulasok na eksena matapos makainom ng dalawang lapad na ihi ng kambing..ay mali..dalawang lapad pala ng alak..di ko lang talaga maintindihan kung bakit naiinis ako sa kanya gayong uminom din ang iba kong mga kaklase..ah oo..alam ko na kung bakit..kasi naman kung hindi siya nakipagpustahan sa drafting ay hindi sana iyon nangyari..nagsisi sana yung bwiset na yun..
pangalawa naman ay yung gwardya sa nagbabanal-banalan naming paaralan..( idawit ba pati siya? XD)
kasi naman noh nagigipit na nga kami sa oras ng pag ensayo para sa nalalapit naming pagtatanghal sa entablado kaya nagpagabi kami sa pag ensayo sa aming paaralan...pinalabas na nga kami ng gwardiya sa silid aralan, maya-maya pinapaalis na kami sa eskwelahan gayong hindi pa naman oras ng mga hayskul sa pag alis..ayun tuloy mejo uminit ang ulo ni pangil..
hai..yan lang naman ang mga gusto ko sabihin..oo nga pala..sa tamad ko ngayon ay dalawang epal lang naman ang aking binanggit..wala pa sa populasyon ng mga nagtatrabaho sa starbuko este starbucks ang mga epal na kilala ko..
o sya..yan na muna para sa araw na ito at kailangan ko pang gawin ang libro ng aking buhay dahil wala pa akong nasisimulan..XD
"di ko maintindihan ang nilalaman ng puso..dahil wala naman itong laman kundi purong dugo.. :P"