forget everything
dahil araw ng kalayaan ngayon, ako'y magtatagalog..anong konek? aha
hindi ko rin naman nasunod ang sinabi ko nung minsan sa post ko na purong ingles ang aking ilalagay dito sa blog. pagpasensyahan niyo na rin ako kung minsan dahil baluktot ako matagalog..hehehe
nga pala, kalimutan niyo na sinabi ko kahapon na na-bad trip ako sa taekwondo..siguro dala lang ng pagod galing eskwela..di kasi ako nakapag tanghalian nun eh..isipin niyo, 11 oras akong hindi kumain..! tapos taekwondo agad! kaya nga kahapon sa stretchings..teka, nu ba tagalog ng stretchings? hmm..pabayaan niyo na..o yun nga..stretsings pa lang pagod na ako..alam ko di nagustuhan ni sir kio kasi di maganda pag eensayo ko kahapon..tapos nung sparring na namin nasipa ko siko ni jenna..bwiset ang sakit nun..gusto ko umiyak pero pinipigilan ko lang. sabi ko kay sir kio pahinga muna paa ko, pero ayaw niya kasi daw lalaban ako kailangan ko mag ensayo..ayos lang naman sa akin eh kaso parang naiwan siko ni jenna sa paa ko sa sobrang sakit.
tapos, ang sakit na nga nung kanan kong paa, pati ba naman yun kaliwa nasipa..pati daliri ko nasipa ni kuya eijay..nung water break namin naluluha na ako nun..nakita pa nga ako ni ate hazel eh..kakahiya xP
hassle talaga kagabi pramis..sana makapag ensayo ako mamaya ng maayos..
tapos ngayon dapat nasa school ako kasama sina janell at kath para ayusin yung kakailanganin para sa program bukas..pero pinili kong magpahinga muna kasi hindi nga ako makalakad ng maayos..baka di ako makapasok bukas.
haiz..dalawang araw pa lang klase, ayoko na pumasok. di ko feel mga kaklase ko lalo na yung mga babae. kung bakit pa kasi inalis pa nila yung section Mark. nasisiraan na talaga ulo ng holy. kung kelan pa ako graduating, dun pa ako napunta sa tangengot na seksyon..ayan..kung bakit kasi tinamad akong mag aral..basta ngayong nasa hetero ako, pangako ko sa sarili ko na mag to-top 1 ako..yebah.. haha ANG KAPAL =p
eee..may pasok na naman niyan bukas..nga pala, holiday kasi ngayon kaya walang pasok..galing ng mayor dito diba? hehe
bale 202 days pa bago mag bakasyon..tapos college na niyan..haiz
di ko pa birthday pero feeling ko tumatanda ako araw araw..bwiset
naku, yan na muna..ayoko nang dumagdag mga kabusitan ko simula nung unang araw sa school at sa mga darating pang araw.. =/