mahiwagang elisi
haiz. wala na naman pasok ngayon. madadagdagan na naman schooldays namin. kung bakit pa kasi namatay si Ninoy. xP
dahil nga walang pasok, buong araw na naman ako naka online. heto at nag do-download ako ng mga Original Pinoy Music na kanta nung 90's. Eh kasi naman para sa akin mas magaganda mga kanta noon kaysa sa mga kanta ngayon. Agree naman siguro kayo noh?
Lumaki na kasi ako na naririnig mga kanta ng Eheads, Rivermaya, Jeremiah, True Faith, Parokya at iba pa. Yun kasi mga kanta na pinapatugtog nung ex-boyfriend ng tita ko at barkada niya noon. Kaya at the age of 3, mulat na ako sa industriya ng Musika. Wow, pansin ko, napaka tangalog ko ngayon. Tribute ko na lang yan kay Ninoy tsaka buwan naman ng wika eh. :D
Tingnan niyo naman sila noong kabataan nila. Si Buddy ang laki ng pinagbago ng itsura. Si Ely gwapo pa rin.. c;
Tungkol nga pala sa reunion ng Eraserheads, good news!!! Binaba nila sa 12 years old ang minimum age. O diba? Di naman siguro magsisinungaling yung nakausap ko. Hanggang 1 ng madaling araw kanina naghanap ako ng mapagtatanungan tungkol sa reu ng Eheads. Nakuha ko pa nga mga email adds nila eh! ahaha..maliban nga lang yung kay Ely pero ayos lang at least meron ako nung kay Raimund. ^^
Gusto ko talaga pumunta dun kaya nga lang di ko naman alam kung san makakabili ng ticket. Sa tuesday pa lang ibubulgar in public. Eh hello?! 35,000 lang ang accomodation nila. Sigurado madami gusto pumunta nun.
,br>Sige, yan na muna at tinatamad na akong mag type ng kung ano pa. Nahawa na ako sa katamaran ni *ahem* shemtot eh..kilala niyo siya? Buti naman... :))
Labels: opm