batang bata ka pa
DAPAT MGA ESTUDYANTE NG HOLY ANGEL AY BULAG, PIPI AT PILAY.
Bakit kamo?
Bulag, para wala nang nangongopya sa tests, homeworks at seatworks. Akalain mo kamo kanina yung kalokohang ginawa ko sa kaklase ko..kasi nag test kami sa Economics kanina sa AVR. Meaning wala kaming permanent seatplan. So ayun since ako yung nasa pinaka dulo ng row, tumabi sa akin si Jayson para daw mangopya siya. Eh hindi naman ako nagpapakopya noh (pwera sa Math =P) kaya ayun..eh di ko alam sagot sa unang tanong, yun yung pinakopya ko sa kanya. Eh tama naman pala yung iniisip niya tapos kinopya pa niya mali kong sagot..talaga naman :))
O eto pa..pipi, kasi di pa tumitilaok si Ma'am Calilung eh ang iingay na ng mga kaklase ko. Tumira na nga mga boses nila sa tenga ko eh. Lalo na mga babae sa amin. Hay nako pasalamat sila nakakapag pigil pa ako. Kaya simula ng umaga ng June 11, 2008 hanggang ngayon eh una na kami sa listahan ng mga maiingay na sections. Say niyo diba?
Pilay naman kasi nagtatag na naman ng bagong 'law' ang Holy. Simula next week, may Corridor Pass na dapat mga estudyanteng dumadaan sa corridors ng Holy para mabawasan mga nag cu-cutting, mga maiingay maglakad at mga pakalat-kalat sa corridors. Eh ang masama pa dito dalawa lang ang corridor pass: isa sa babae at isa sa lalake tapos teacher pa mag hahandle. Paano nun pag kailangan ko mang hiram ng book sa ibang section? Paano kung natatae pala kaklase ko tapos vacant namin nun? Paano mga cafeteria dun malulugi dahil imbis na magpuntahan mga estudyante dun tuwing vacant eh nakakulong lang kami sa classroom? Naman kahit kailan ang bait ng Holy sa amin.
Ayos lang naman mga yun eh para ma disiplina mga students sa Holy.
So no prob sa akin yun dahil good girl naman ako dun eh ;)
Nga pala, pagpasensyahan niyo na ako sa tagal kong pagpost. Kakatapos lang ng ACET dito. Muntik na nga ako di makapag test eh. Sa ganda kasi ng handwriting ng babae sa pag sulat ng room ko eh di ko naintindihan. Next week naman 2nd mid na namin..grabe ang bilis. Next week na rin start ng Drum Lesson ko :D
O siya yan na muna at madami pa [daw] akong gagawin xD
adios!