the fourth kikiam experience
I recently bought the new book of Jay Panti, my favorite Pinoy writer. I've collected all of his books, but the first two were misplaced by our housekeeper. This fourth book entitled The Panti Briefs and Liners is still funny, green and useless in a useful way. ( lalim niyan parekoi XD )
Here's one of his stories from the book:
KWENTONG COMFORT ROOM
Nasa Expressway na kami nuon papuntang Baguio nang sumakit ang tiyan ko at kailangan kong magbawas ng karga. Eksakto naman na napadaan kami sa gas station na kung saan may malinis na comfort room. Siyempre pa at lumundag ako palabas ng kotse kahit umaandar pa ito ng mabagal. Agad kong hinanap ang CR at yung MALE sa sign baka kasi magkamali ako ng pasok at makadinig ako ng sigawan.
Buti na lang at may isang bakanteng cubicle akong nakita at medyo may kalinisan ito at mukhang bagong linis. Nanghihinayang nga ako dahil sa alam ko na maya maya lang ay siguradong dudumi ito at worse babaho pa. Umupo na ako at bumagsak na ang nagpapahirap ng aking tiyan. Nakahinga na ako ng malalim at habang nag-iinay ako kung may pahabol pang lalabas ay may narinig akong boses sa kabilang cubicle.
"P're kumusta na? Ano ginagawa mo diyan?"
Putragis at may nakakita pa pala sa akin na pumasok ako sa kubeta. "Dude, sakit kasi ng tiyan ko, nagbawas lang."
At sumagot ulit yung nasa kabilang cubicle.
"Ah ganun ba? So saan ka ba pupunta ngayon?"
Pucha, kulit naman nito at medyo mahirap din namang magsalita habang nagti-tissue. "Punta kami Baguio, magpapalamig ng ulo.. heheh"
At biglang sumagot yung tao sa kabilang cubicle. "Pre, sandali lang ha. Di kita madinig, meron kasing sagot ng sagot dito sa kabilang cubicle. Tawagan na lang kita mamaya."
Luma na'to. Nabasa ko na itong joke na ito pero ewan ko ba kung bakit nangyari pa ulet sa akin.
It's not a must read because there are alot of articles that contain things that some people might not want to see and read. Pero, I'm telling you, you'll still enjoy it anyway. :)
It's not a must read because there are alot of articles that contain things that some people might not want to see and read. Pero, I'm telling you, you'll still enjoy it anyway. :)