Aba! USTe na 'ko!
Mga nangyari kahapon! :D
2:00
Nagsimula na kaming magdikit ng red and green tape sa mga necktie namin para sa Welcome Walk namin.
3:30
Nakapila na kami malapit sa Beato. Grabe! Halos isa't kalahating oras kami naghintay bago dumaan sa arch! Huli pala kaming CFAD. Siguro dahil na rin kami yung pinaka astig manamit kahapon. Haha! Tinawag isa isa yung mga colleges ng UST. At nag cheer pa kami for U (clap) S (clap) T (clap)! :D
past 5pm
Nag misa ang pari. Parang yung bibliya nga lang kinakausap niya eh. Wala atang nakikinig dahil lahat kami excited na sa Freshmen Night
6pm
Ayun at nagsimula na kaming magsaya! Sumayaw Salinggawi at andun din Yellow Jackets. Unang tumugtog na banda ay yung Spongecola! Sumunod Chicosci. Ang saya ni Miggy dahil first time daw niya tumugtog sa madaming tao. Isipin mo naman kasi, 14,000 kaming freshmen na andun!
10pm na ako nakauwe. Walang humpay na kasiyahan at libreng tugtog pa ng banda. Grabe, di na ako aalis ng USTe! xP