Nagsimula ang Lahat sa Eswela
I was watching the videos I made earlier when I stumbled upon the video Rea made for our Values Ed project. It's entitled Share A Love and it's about feeding the poor children and old people we met in the streets of Angeles. It's the first and last video we ever made as a barkada. Hindi pa nga kami kumpleto dun eh. Tapos ngayon, as in ngayon ko lang na realize na I MISS HIGHSCHOOL SO MUCH!
Classmates:
Yung mga di daw nakapagreview, pero ang daming sinusulat sa test (ako yun! haha!)
Madali lang 'daw' ang test pero siya yung lowest
Nanghihingi ng papel pero meron naman sa bag ( ako rin yan! haha!)
Uubo kuno pero sasabihin lang yung sagot
Mahuhulog daw yung calculator para makatingin sa papel ng katabi
Tatalsik daw yung bolpen malapit sa pinaka matalino para makakuha ng sagot
Pupunta ng library para magpa aircon
Pupunta ng circulation para magtaguan
Bibigyan ng kanya-kanyang nickname mga teachers
Kahit na gaano kadami ang mga rules, ganun din kadaming beses sinusuway ang mga ito
Sa Barkada:
Tatambay sa cafeteria at bibili ng lugaw at iced tea
Yung kalamansi itatago sa bag ni kebang at pipisilin :)))
Magtatalian ng bags sa armchair
Itatago ang kanya kanyang bag sa classroom
Itatago sapatos ni Kiersten o kaya ni Pili
Uutuin si Pili
Tatawaging kabayo sina Jenna at Rea
Tutuksuhin si Tasic dahil napansin na naman ang matangos at malaki niyang ilong
Tatawaging doggy si Kebang dahil taga bantay na naman siya ng bahay pag di siya nakakasama sa mga lakad namen
Kadalasan may nanlilibre sa labas para kumain
Walang pakealam kung gaano kaiingay basta kami kami magkakasama
Hindi ka mag eenjoy sa highschool kung di ka ganyan! Too bad, kahit na gaano karami yung mga kakulitan at kapilyahang ginawa namen, wala kaming picture na kumpleto. Oh well, who needs pictures if you made memories and had good times that will last forever diba? :)