Some Random Entry
Pasaway. Yan na lang lagi nakikita sa akin. Hindi naman ako nananakit ng tao sa mga ginagawa ko ah. Malaking kasalanan na ba ang umuwi sa Pampanga?! Migaad!! Ayaw na ata akong makita ng nanay ko. Tapos na rin naman ako sa Finals plates ko..at least nakalahati ko na :P Tapos nakakabaliw pa sa dorm, wala akong kasama kundi yung mga rebulto ng mga Santo dun. Baka mamaya tumuloy-tuloy na ako sa langit kapag nagtagal pa ako dun. Kaya heto lumuwas ako ng Manila. :D Nagulat nanay ko nung makita niya ako. Akala ko may kasama akong multo kaya ganun itsura niya. Eh wala na siyang magagawa nakauwi na ako. :)) Ayun, kaya pala nagtatagalog na ako ngayon kasi hindi na ako marunong mag english. May essay pa naman din akong gagawin sa English subject ko. No essay, no finals. Patay.